Sunday, November 15, 2009

Mga Chichirya Noong Mga Panahon Na Iyon - Compendium

Walang dumaan sa pagkabata ang hindi kumain nang chichirya.


MSG!


Iyan ang ititiyak ko sa inyo. Lahat tayo dumaan sa phase na sinisipsip ang mga daliri para lasahan ang natitirang MSG, asin or kung anu-ano pang flavorings sa mga kinain nating chichirya. Minsan pa nga inuulam pa natin sa kanin! Lalo na yung maasin! Kadalasan bibili tayo
pagkatapos ng eskwela, tapos sabay punas sa polong puti!
Teka, maiilista nga yung mga paborito nating chichirya at candy noong mga bata pa tayo...

Siguro naman nakain niyo na ang...

1. POMPOMS - maliliit na korteng C na puro hangin lang pero may maalat na cheese flavor; yellow pack na may elepanteng mag bola.
2. PRITOS RING - isa sa mga paborito ko to!! Yung tipong ilalagay mo sa daliri mo yung kada piraso tsaka mo kakainin! Kulay pula yung balot nito.
3. WONDERBOY - Kulay puti yata yung balot nito; flat na chichirya, malutong at maalat din.
4. LITSONG MANOK - masarap iulam sa kanin pag madaming MSG! Haha! Rectangular shaped ito na lasang chicken. May kulay red, yellow at green ang balot nito.
5. BASTA PINOY - hmmm...nakain ko na to pero nakalimutan ko na itsura.
6. CHEESE RINGS - Buhay pa din hanggang ngayon! Classic junk food to! Cheese flavor na korteng malalaking rings. Kasya din sa daliri to.

7. SNACKU - Naalala niyo pa ba yung mga palabas sa channel 13 dati? Yung shaider, bioman o takeshi's castle? Isa ito sa mga kino-commercial dun. Sticks to na kulay green, lasang vegatables kuno. Green din ang balot.
8. CHEEZ-IT - Yung kulay dilaw na balot na may daga na naglalambitin. Parang letter H yung korte nito. Cheese flavored din.
9. TOMI - Corn chips! Buhay pa din hanggang ngayon.
10. RINBEE - Cheese sticks! May bubuyog ang balot nito na kulay puti at orange.
11. KOBI - Corn chips yata to. Di ko na maalala yung balot..
12. BOOGIEMAN - Ah! Eto yung may kalabasa sa balot (jack-o-lantern!) Sticks din to na maliliit na vegetable flavor
13. CHEEZ-UMS - Classic! Di ko alam kung buhay pa tong chichirya na to.
14. RICHEE - Milk flavored na korteng H. Kasabayan to ng Cheez-it.
15. SWEET CORN - Classic din! Bilog bilog na lasang mais. Isa sa mga maaalat na chichirya. Masarap tong dinudurog! Kaya lang yung mga Sweet Corn ngayon(na nabibili ng piso piso), wala nang lasa gaano..
16. LUMPIA/CHEESE DOG - Favorite ko to! Hanggang ngayon, bumibili ako ng maramihan. Parang lumpia ang korte na cheese flavor; pero puro hangin ang laman! Hehe! Minsan nga lang makakatsamba ka ng medyo maalat. Yun ang pinaka masarap!
17. SQUID RINGS - Parang cheese rings din ata to. Di ko kasi gaanong nakahiligan to.
18. CLOVER CHIPS - Classic! Hanggang ngayon buhay pa! May iba ibang flavor to - barbeque. cheese! Meron ding Clover Bits!
19. POT-POT - yung chichirya na pinagpapalit ng bote o dyaryo; kadalasan may mamang nakabisikleta o kariton na may dalang "pot-pot".
20. OISHI - Classic! Shrimp flavored sticks na masarap isawsaw sa suka.
21. EXPO PEANUTS - Eto yung nasa maliliit na balot, kulay gray - parang nagaraya - cracker nuts pero kasing liit ng mga ulo ng turnilyo.
22. PEEWEE - Classic - at buhay pa din ngayon! Kasabayan ng Richee at Cheez-it! Eto naman yung barbeque flavor. May chef na naka print sa balot.
23. HUMPY DUMPY - Classic! Buhay pa din! Iba iba flavor nito. Barbeque, cheese, etc. - Corn chips.
24. KIREI - Classic! Isa sa mga di ko pinagsawaan. Shrimp flavor na triangle ang korte.
25. KROPEK - classic Pinoy junk food! Suka lang ang katapat, pwede nang pulutan!
26. CHICKADEES - Cheese flavor to. Eto yata yung may libreng tau-tauhan na plastic..
27. SEBSEB - favorite ko din to! Parang popcorn na pinalobo. Kulay yellow to.
28. PIKNIK - korteng flower na cheese flavored; isa sa mga paborito ko to!
29. FISH CRACKER - isa pang classic Pinoy junk food! Dilaw at lasang isda kuno. Pero suka lang, pwede na din!
30. MARIE BISCUITS - Bilog na biscuit! Kulay pula yung balot!
31. ICED GEM BISCUITS - Classic! Favorite ko din to! Yung may matamis na icing na iba-ibang kulay - madalas yung icing lang kinakain natin at hindi yung biscuit na kasama!
32. CHISNACK - nasa kulay blue to na balot na sobrang sarap papakin; cheese flavor din!

(Segue lang) Hindi ba kayo nagtataka na madalas flavor ng mga chichirya e cheese?
At dumako naman tayo sa mga matatamis; mga candy, bubble gum at iba pa!
1. ORANGE SWITS - Kakabili ko lang nito! Top favorite ko to sa mga candy na nakalista dito. Kulay orange na korteng C. - Gummy candy! Heaven ako pag kumain ako nito!
2. TEXAS - Nabibili din to dati ng piso-apat. Kulay puti din to na may kulay puting balot.
3. TARZAN - Rectangle na gum na kulay puti - may linya linya sa balot na iba iba yung kulay.
4. BAZOOKA - Most favorite gum! Pink na parang hollow blocks at may libreng komiks ni Bazooka Joe. Parang kamukha nga nya si Popeye eh...
5. BIGBOY - Favorite ko din to. Kulay pink na nasa parang waxpaper na balot na korteng baterya na triple A.
6. BUBBLE GUM NA PISO, SAMPU - madalas nakalagay sa plastic ng sigarilyo!
7. CANDY CARAMEL - Square to na may kulay puting balot na nabibili mo dati ng piso-apat.
8. LIPPS - kulay red - cherry o strawberry flavor yata at ginagawang lipstick ng mga babae mong kalaro!
9. FRESH MINT - yung nasa kulay green na balot - yung parang buletas na green din. Madalas nilalagay sa bulsa ng polo at kinakain sa classroom.
10. CURLY TOPS - Classic Pinoy Chocolate!
11. EGGHEADS - Korteng M&M's to. Kulay puti. Masarap tong papakin!
12. LALA - Isa pa sa mga Classic Pinoy Chocolate!
13. MIKMIK - milk powder na nasa foil na pakete na may kasamang straw
14. MIGHTY MOUSE CANDY- nasa maliliit na pakete na 50 cents ata isa.
15. NATA DE COCO - Favorite din! Nasa transparent na balot, tapos pinalalamig din sa ref. Masarap tong naka freeze tapos unti unti mong nginunguya yung nata! Hayyy....
16. ICE POP - Masarap kainin pagkatapos ng laro! Grape, Orange, Apple, etc! Ayos na!
17. WHITE RABBIT - Sino bang hindi makakakilala nito? Puting balot, nakakakain yung kulay puti na film sa loob na lasang ostya, tapos yung candy lasang gatas. Kaya lang may lumabas na din na hindi nakakakain yung puti na film bago yung candy..
18. SERGS - local chocalate! May sergs na nakasulat sa bawat bar!
19. NIPS - local version ng smarties o M&M's. Buhay pa din hanggang ngyn!
20. MAYFAIR CHOCOLATES - Eto yata yung maliliit na bars - na may iba ibang nakadrawing na bahay.
21. BENSONS ECLAIRS - Haha! Paborito ko to! Yung caramel na may chocolate sa loob! Panalo!
22. JUICY FRUIT - Classic! "You need a juicy!" - kung naalala niyo pa yung commercial.
23. DOUBLE MINT - Classic!
24. ORANGE GUM - yung nasa maliit na tetrapak na papel, tapos maliliit din na gum na kulay orange.
25. CHERRY BALL - Bilog na kulay pula - lasang cherry - pero sa panlasa ko mapait!
26. COLA CANDY - nasa maliit na violet na balot na lasang cola.
Hay. Ang sarap balikan nang pagkabata na ito lang ang inaatupag. Kumain ng chichirya!